Huwebes, Oktubre 3, 2013

PROYEKTO SA A.P ni MATTHEW ISRAEL NARIDO



PAMANA MULA SA KANLURANG ASYA

        Cuneiform ang pinakamahalagang amnag ng mga Sumerian sa daigdig. Ang kabihasnang ito ang kauna-unahang kabihasnan sa Kanlurang Asya sa buong Mesopotamia. Cuneiform ang nangangahulugang “hugis-sinsel” ang pinakaunang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig. Gamit dito ang maliit na sinsel para sa dulo ng tangkay ng reed (isang uri  ng damo) bilang pang-ukit sa tabletang luwad. Pangunahing gamit ito sa pagtatala ng mahahalaganag transaksyon sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng mga Sumerian.
       
       Mula pa rin sa mga Sumerian ang Epic of Gilgamesh na itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan sa daigdig. Ang akdang ito na tinatayang ginawa noong 2000 B.C.E., ay tungkol kay Gilgamesh ang mala-diyos na hari ng Uruk. Nilalaman nito ang kaniyang mga kahanga-hangang nagawa at pakikipagsapalaran sa kaniiyang pagnanais na makamtan ang imortalidad. Kakikitaan ang epiko ng pagkakatulad sa ilang bahagi ng Bibliya, tulad ng kwento ng paglikha at ang Great Flood.
      
      Mayroon ding mahalagang ambag ang mga Sumerian sa larangan ng agham at matematika. Sa kanila nagmula ang sexagesimal o pagbibilang batay sa numerong 60. Ito ang nagbunsod sa sistematikong paghahati ng oras at ng bilog. Mayroon din silang kalendaryong nahahati sa 12 buwan.  Bukod dito ay mayroon din silang mga ideya sa larangan astrolohiya at geometry. Isa ring imbensyon ng mga Sumerian sa kasalukuyan ay ang gulong. Ginagamit ang prinsipyo sa likod ng gulong hindi lamang sa transportasyon kung hindi sa iba pang gawain. Galing din sa mga Suerian ang paggamit ng araro at ng layag sa mga sasakyang pandagat. Pinaunlad ng araro ang sistema ng pagtatanim samantalang pinabilis naman ng paggamit ng layag ang transportasyong pantubig.
    
     Mula naman sa mga Babylonian ang Code of Hammurabi. Ito ang ,katipunan ng 282 batas tungkol sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay sa Mesopotamia. Tinukoy nito ang paglabag sa batas at nagtakda ng tiyak na parusa sa bawat isa. Pangunahing tema ng katipunan ang prinsipyong “mata para sa mata, ngipin para sa ngipin.” Sa batas na ito ay pinalalabas na inosente ang bawat akusado hanggat hindi napaptunayan na siya ay may sala. At ang akusado at ang nag-aakusa ay kailangang magharap ng anumang ebidensya.
   
     Mula sa mga Hittite ang bakal o iron na isang uri ng metal na ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. At ito ay ginawang mas matibay pa sa tanso. Paglipas ng panahon lumaganap na rin ang kakayahang gumawa ng kagamitan mula sa bakal bunsod na rin ng transisyon mula sa Bronze Age patungong Iron Age. Nalinang naman ng mga Phoenician ang modernong sistema ng pagsulat na mauuri bilang consonantal dahil wala itong patinig. At ito ay ang sistema ng pagsulat na pinalaganap sa painakamaraming bansa nuong sinaunang panahon.
   
PAMANA MULA SA TIMOG ASYA
     
     Sa Timog Asya na mga Indian naman nagmula ang Sanskrit na pangunahin nilang kontribusyon. Ito ay ang pinagmulan ng maraming wikang Indo-Europian. Sa klasikal na Sanskrit nasusulat ang maraming mahalagang akdang pampanitikan, pang agham, teknikal, pilosopikal, at panrelihiyon. Ang Sanskrit din ay ginagamit sa mga ritwal at seremonyang Hindu at Buddhist.
     
     Ang itinuturing na pinakamatandang akdang pampanitikan sa kabihasnang Indo-Aryan, at ang pinakasagradong aklat ng India ay tinatawag na Vedas. Ang katipunan ng sagradong teksto mula sa sinaunang India. Binubuo ito ng apat na aklat na naglalaman ng mga himno, kasabihan, incantation, at awit pandigma.  Itinatayang itinala ang pinakamatanda at pinakamahalaga sa Vedas noong 1500 B.C.E., na tinawag nilang Rig Veda. Bukod sa kahalagahan bilang sagradong teksto ay nagsisilbi in itong bilang talang pangkasaysayan dahil sa inilalarawan nito ang buhay sa India noong panahon ng Vedic.
    
    Indian din ang nagdala ng nangungu sa larangan ng panitikan ang Mahabharata (The Great Story of the Bharatas).  Itinuturing itong pinakadakila at pinakamahalagang akdang pampanitikan sa mundo. Bahagi nito ang “ Bhagavad Gita,” isang dakilang tulang Hindu. Isa na rin dito ang dakilang akadang Indian amg Ramayana (Rama’s Way). Marami ng nabuong nobela, pelikula,  dula, at iba pang akda batay sa tatlong akdang ito. At ito ay nananatiling tanyag sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
  
PAMANA MULA SA SILANGANG ASYA
    

     Mula sa nga sinaunang Tsino ang ambag na civil service examination o pagsusulit para sa mga nais manilbihan sa pamahalaan. Nagsimula ito sa dinastiyang Han at pinagbuti sa dinastiyang Tang. Sa ngayon ay ay mahalagang bahagi ito sa pagpili ng mga maninilbihan sa pamahalaan sa iba’t ibang dako ng daigdig. Sa mga Tsino rin nagmula ang seda. Lumaganap ang paggawa nito sa ibang bahagi ng daigdig dahil sa tibay, ganda at maranyang anyo nito at nananatilin bilang isa sa pinakakilalang material sa paggawa ng damit at iba pang gamit.
    
    Ang tinatawag nilang Acupuncture ang tawag sa paraan ng pagtusog ng mga pinong karayom sa balat sa mga particular na bahagi ng katawan upang maibsan ang sakit o kaya ay gumaling ang karamdaman. Ito ay nagmula sa China mahigit 2000 taon na ang nakakalipas. Ito ay kinikilala ngayon bilang mabisang paraan ng alternatibong panggagamot. Sa mga Tsino rin nagmula ang bonsai o pagpapatubo ng binansot na punongkahoy sa mababaw na paso. Ngunit ito ay nagging tanyag dahil sa mga Hapones. Naipakilala sa Japan ang proseso ng paggawa nito noong panahong Kamakura (1185-1333) at nagkaroon ng tatak Hapones.

      

       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento